Pagpapalaya sa 59 suspected Maute terrorist na naaresto sa Zamboanga, kinumpirma ng DOJ

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Dept. of Justice ang pagpapalaya sa limampu’t siyam na suspected Maute terrorist na naunang naaresto sa Zamboanga at nakakulong ngayon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ito ay matapos ibasura ng National Prosecution Service ang kasong rebelyon laban sa naturang mga suspek.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ,batay sa findings ng panel of prosecutors na pinangunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, walang probable cause ang reklamong inihain ng Western Mindanao Command o WESTMINCOM laban sa mga naaresto.


Una nang iginiit ng respondents sa kanilang counter affidavit na sila ay naloko lamang at pinaniwala ng isa pang respondent na si Nur Supian na sasanib sa Moro National Liberation Front at kalaunan ay maging sundalo o bahagi ng integration.

Karamihan sa kanila ay naaresto sa military checkpoint sa Ipil ,Zamboanga Sibugay, habang ang iba ay nadakip sa isang bahay sa Guiwan, Zamboanga City nitong Hulyo.

Facebook Comments