Pagpapalaya sa higit 300 sumukong bilanggo na walang kaugnayan sa isyu ng GCTA, posibleng simulan ngayong araw – DOJ

Inaasanag masisimulan ngayong araw ang pagpapalaya sa unang batch ng 300 convicts na sumuko sa gitna ng kontrobersiya ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Justice Usec. Markk Perete, ipinag-utos ni justice secretary menardo guevarra ang pagpapalaya sa mga ito na hindi kasama sa mga tinutugis.

Pero sinabi ni perete, na mahabang panahon ang kakailanganin para i-review ang prison records ng higit 300 bilanggo.


Ang Bureau of Corrections (BuCor) ay may listahan ng mga presong may kaso na walang kaugnayan sa GCTA at nakatakda nang makalaya.

Kabilang dito ang mga may Court Orders gaya ng Acquittals, Commutation of Sentences, Pardon o Parole.

Pero bago makalaya ang mga ito, kailangang mayroong proper recommendation ang BuCor at i-justify ito sa panel na binuo ng Oversight Committee on Corrections.

Mula noong September 23, nasa 2,221 persons Deprived of Liberty ang sumuko, lagpas sa 1,914 convicts na nasa listahan ng BuCor.

Facebook Comments