Pagpapalaya sa mga bilanggong nahatulan ng life imprisonment, kailangang may approval sa Secretary of Justice

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na kailangang may approval mula sa kanila ang pagpapalaya sa mga inmates na sinentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, si dating Acting Justice Sec. Alfredo Benjamin Caguioa, na ngayon ay Supreme Court Justice ay nag-isyu ng Department Order noong 2015 na may awtoridad ang Director General ng Bureau of Corrections (BuCor) na aprubahan ang pagpapalaya sa mga bilanggo na napagsilbihan na ang kanilang sentensya, kabilang ang mga prison term na nabawasan sa ilalim ng good conduct time allowances.

Pero nakasaad din sa Department Order na kailangan din ng Approval mula sa Secretary of Justice sa kaso naman ng mga bilanggo nahatulan ng reclusion perpetua o life imprisonment.


Sa ngayon, pansamantalang suspendido ang computation ng Good Conduct Time Allowance sa mga bilanggo.

Facebook Comments