MANILA – Para mapaghusay at maabot ang mas matatag na tigil-putukan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunista, muling iginiit ng pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines ang pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal.Ang mensaheng ito ang naging pambungad ng NDFP sa muling pagbubukas ng pangkapayapaang negosasyon sa Oslo, Norway.Ayon kay NDFP Chief Political Consultant Jose Ma. Sison, ang pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal ay bahagi rin ng pagtalima sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.Kaugnay nito, malapit na ring magtapos ang animnapung araw na taning para sa pag-abot ng interim bilateral ceasefire na nagsimula noong August 27 at magtatapos sa October 27.Muli ring tinukoy sa pahayag na inilabas ng NDFP ang nauna nang statement ni Pangulong Duterte na ang pinakamabilis na paraan para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal ay sa pamamagitan ng amnesty proclamation na mangangailangan ng pag-apruba ng Kongreso.
Pagpapalaya Sa Mga Bilanggong Pulitikal, Iginiit Ng Ndfp Sa Muling Pagbubukas Ng Usapang Pangkapayapaan
Facebook Comments