Pagpapalaya sa mga may sakit at matatandang preso hiniling

Manila, Philippines – Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Lawrence “Bong” Go kay  Department of Justice o DOJ  Secretary Menardo Guevarra na bigyan ng proyoridad ang pagpapalaya sa mga presong matatanda at may sakit.

Ito ay makaraang personal na makita ni Go ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga matatandang may sakit na preso sa National Bilibid Prison o NBP.

Nakatanggap din ng sulat ang senador mula sa mga matandang inmate na may sakit at isinalaysay ang kanilang pagdurusa na humihingi ng konsiderasyon sa pamahalaan na sana ay mapalaya sila upang makapiling pa ang kanilang pamilya sa huling yugto ng kanilang buhay.


Ayon kay Go, karamihan sa mga matantanda na nasa edad 70 hangang 80 ay nasa minimum security na ngayon ay dumaranas ng iba’t-ibang karamdaman na ang iba sa kanila ay naka-wheelchair pa.

Ipinagtataka ni Senador Go, na una pang napalaya ang mga nakakulong sa maximum security na may mabibigat na kasalanang ginawa.

Sa ginanap na ‘proposed budget hearing’ ng DOJ ay sinabi ni Senator Go na suportado niya ang ginagawa ngayong ‘full overhaul’ ni DOJ Secretary Guevarra upang maging “corruption-free” ang NBP.

Facebook Comments