Pagpapaliban ng Barangay at SK Elections, napagkasunduan sa Kamara

Manila, Philippines – Napagkasunduan ng mga mambabatas sa mababang kapulungan na ipagpaliban ang Sangguniang Kabataan at Barangay Elections sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas – gagawin na lamang ang eleksyon sa mayo ng susunod na taon kasabay ng plebisito para sa charter change at panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ani Fariñas, kung hindi pa handa ang mga hakbang pagsapit ng Mayo, posibleng muling maantala ang naturang halalan.


Maliban dito, mananatili sa pwesto ang mga opisyal ng barangay sa pamamagitan sa bisa ng holdover capacity sa halip na mag-appoint ng mga opisyal.

Facebook Comments