Itinutulak ngayon ang panukalang mailipat ang eskedyul ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa unang lunes ng November 2026 matapos na maipasa na sa Kongreso at Senado ang bicameral conference committee report kaugnay rito.
Ilang tanggapan ng Commission on Elections sa Pangasinan ang naghahanda ng maaga para sa nasabing eleksyon, halimbawa na rito ang COMELEC Mangaldan.
Nagsagawa ang tanggapan kasama ang Municipal Treasury Office at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Mangaldan ng opisyal na pagbubukas ng mga ballot box na ginamit noong 2023 BSKE kung saan inilagay sa sako bawat barangay ang mga nilalaman ng ballot boxes tulad ng mga balota, tally sheets, at iba pang ginamit noong eleksyon.
Ayon kay COMELEC Election Officer IV Gloria S. Cadiente, bahagi ang paghahanda at imbentaryo sa oras na matuloy ang BSKE sa darating na December 1, 2025.
Kung sakaling hindi pirmahan ng pangulo ang nasabing panukala ay itutuloy pa rin umano ang iba pang aktibidad tulad ng procurement at inventory ng yellow ballot boxes.
Giit din ng opisyal na huwag pakakampante ang COMELEC at sisikapin na tapusin ang mga kaukulang paghahanda kung sakaling matuloy pa ang eleksyon sa Disyembre. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









