Pagpapaliban ng pagbisita ni Japanese PM Yoshihide sa Pilipinas, nirerespeto ng Palasyo

Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ni Japanese Prime Minister Suga Yoshihide na ipagpaliban muna ang pagbisita nito sa Pilipinas.

Kasunod ito ng anunsyo ng tanggapan ng Prime Minister na ipagpapaliban muna ang kanyang biyahe sa India at Pilipinas ngayong Abril dahil nais muna nitong tutukan ang problema sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Japan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang paglutas sa mataas na COVID case ang parehong nasa agenda ng dalawang bansa at sinusuportahan ng Pilipinas ang naging desisyon ni Prime Minister Yoshihide.


Tiniyak naman ni Roque na mananatiling matatag at magpapatuloy ang partnership at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan para harapin at tugunan ang hamong hatid ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments