Pagpapaliban ng pagpapasara ng iba’t ibang sector sa Tandang Sora at Commonwealth intersection, hiniling ng MMDA

Manila, Philippines – Tatalakayin ng QC LGU, MMDA at EEI Construction firm na gumagawa sa MR-7 para resolbahin ang iba pang isyu sa pagpapasara sa Tandang Sora flyover sa Commonwealth Ave sa QC.

Nais ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na marinig muna ang mga concerns ng ibat ibang sektor na apektado sa closure ng Tandang Sora at Commonwealth Intersection .

Sa pulong ng MMDA, LGU, Barangay Officials, Homeowners Association, Religious at Business Sectors sa QC hall, hiniling ng mga ito sa mmda na ipagpaliban muna ang paggiba sa flyover.


Iginigiit ng mga ito na hindi sila nakonsulta kaya maghahabol sila ng oras para paghandaan lamang ito at ang kabiguang maipatupad ang informafion drive sa publiko.

Iginiit naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia na hindi na dapat maantala ang proyekto dahil dalawang linggo nang delayed ang paggiba sa tulay.

Aniya isang araw lamang na ma-delay ito ay malaki na ang idudulot na epekto sa proyekto dahil padami ng padami ang mga sasakyan na dumadaan sa Commonwealth Avenue.

Pagtiyak pa ni Garcia, gagawin na ng MMDA ang lahat at hiningi nito tulong ng QC Govt. lalo na sa pagmonitor sa proyekto na sa bandang huli naman ang taumbayan ang makikinabang dito.

Facebook Comments