Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Philippine Statistics Authority (PSA) na ipagpaliban muna ang Population at Housing Census sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Rodriguez, base sa inihain niyang House Resolution No.1186 mas makabubuting sa Enero na lang sa susunod na taon o kapag may gamot na kontra COVID-19 idaos ito.
Kahit pa kasi tiyakin ng PSA ang pagsunod ng health protocols ng mga tauhang kinuha nito, ay hindi pa rin maiaalis ang panganib sa pagkahawa sa COVID-19.
Magkakaroon kasi ng face-to-face interview kaya malaki ang posiblidad ng pagkalat ng sakit.
Kasabay nito, pinuna rin ni Rodriguez ang PSA sa pagbabanta nito sa publiko na mapaparusahan ang sinuman ng isang taong pagkakakulong at multang 100,000 pesos kung tatangging makilahok sa census.
Mas kailangan kasi aniyang manatili lagi sa loob ng bahay ang mga tao para makaiwas sa COVID-19.