Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi kailangang ipagpaliban ng mga kolehiyo at unibersidad ang pagbubukas ng kanilang klase.
Ito ay matapos i-anunsyo ng Department of Education (DepEd) na ang pagbubukas ng klase ay inilipat sa October 5, 2020.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, ang pag-urong ng school opening ay sakop lamang ang basic education o mula kinder hanggang Grade 12.
Ang higher education ay nakapaloob sa ilalim ng Republic Act No. 7722 o CHED law kung saan binibigyan ang mga kolehiyo at unibersidad na gamitin ang kanilang academic freedom.
Iginiit ni De Vera, hindi sabay-sabay ang pagbubukas ng mga pamantasan dahil iba-iba ang kanilang academic calendar.
Facebook Comments