Pagpapaliban ng voters’ registration, nasa kamay ng COMELEC – Malacañang

Iginiit ng Malacañang na ang Commission on Elections (COMELEC) ang magdedesisyon kung ipagpapaliban ang voters’ registration.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-urong ng aktibidad pero hahayaan nila ang poll body na magpasya hinggil dito.

Dagdag pa ni Roque, hindi maaaring diktahan ang COMELEC dahil isa itong constitutional body.


Nabatid na sinimulan ang voters’ registration noong September 1 para sa nalalapit na 2022 national at local elections.

Una nang pinayuhan ng COMELEC ang mga aplikante na kunin ang mga application forms sa kanilang website bago magtungo sa poll offices.

Facebook Comments