Pagpapaliban sa Barangay at SK election ngayong Oktubre, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at SK Election ngayong Oktubre 2018.

Sa botong 212 YES at 10 NO ay nakalusot ang postponement ng Barangay at SK election.

Sa bersyon ng Kamara, isasagawa ang halalan sa ikalawang Lunes ng Mayo 2018 na isasabay sa plebesito ng Bangsamoro Basic Law at Federalism.


Mananatili naman sa pwesto o hold-over capacity ang mga kasalukuyang barangay officials hanggang sa isagawa ang halalan sa susunod na taon.

Layon ng pagpapaliban ng Barangay at SK election na linisin ang mga barangay sa mga narco-politicians.

Kabilang sa mga bumoto ng No sa panukala ay ang buong MAKABAYAN Bloc, Akbayan Rep. Tom Villarin, Cebu Rep. Raul del Mar at Siquijor Rep. Ramon Rocamora.

Ayon kay Cibac Partylist at siyang tumatayong Chairperson ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform, hinintayin lamang nila ang bersyon ng Senado bago nila dalhin ang panukala sa bicam.

Facebook Comments