Pagpapaliban sa Barangay at SK elections, inendorso na ng tatlong komite sa Senado

Inendorso na ng tatlong komite sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at SK elections.

Sa isinumiteng report ng Committees on Electoral Reforms and People’s Participation, Local Government at Finance ay ipinagdaraos ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa ikalawang Lunes ng December 2023.

Sa substitute Senate Bill 1306, nakasaad na magsisimula ang panunungkulan ng mga mahahalal sa Barangay at SK sa January 1, 2024.


Ang susunod naman na halalan para sa Barangay at SK ay gaganapin na sa ikalawang Lunes ng Mayo 2026, at mula sa petsa na ito ay idaraos na ang eleksyon tuwing ikatlong taon.

Ang mga maluluklok sa May 2026 ay maguumpisa naman ang panunungkulan sa June 30, 2026.

Inaatasan din sa panukalang batas ang Commission on Audit (COA) na i-report sa Kongreso ang halaga ng nagugol ng Commission on Elections (Comelec) para sa paghahanda sa halalan na nakatakda sana sa ika-5 ng Disyembre.

Facebook Comments