Pagpapaliban sa Barangay at SK elections, makapagpapahina sa demokrasya ng bansa ayon kay Senador De Lima

Manila, Philippines – Makapagpapahina sa demokrasya ng bansa ang muling pagpapaliban sa Barangay at SK elections sa buwan ng Oktubre.

Ito ay ayon kay Senadora Leila De Lima ay dahil sa muling mapagkakaitan ang publiko ng pagkakataon na maghalal ng nais nilang mamuno sa kanilang barangay.

Dahil dito, nais paimbestigahan ni De Lima sa Senado ang plano ng administrasyong Duterte na muling ipagpaliban ang nasabing halalan.


Iginiit ni De Lima na siyang chairman ng Committee on Electoral Reforms na walang factual bases ang sinasabi ni Pangulong Duterte na gagamitin ng mga tatakbong opisyal ng barangay ang drug money para mapanatili sa puwesto.
DZXL558

Facebook Comments