Pagpapaliban sa Barangay at SK Elections, pinal nang inaprubahan sa Senado

Pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Sa botong 17 na sang-ayon, 2 tutol at zero abstention ay nakalusot na sa Senado ang Senate Bill 1306.

Sa ilalim ng panukala, mula sa December 5, 2022 ay ipinadaraos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa ikalawang Lunes ng December 2023.


Dahil postponed ang Barangay at SK Elections, ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK ay mananatili sa pwesto.

Pagkatapos nito, ang susunod naman na halalan para sa Barangay at SK ay gaganapin na sa ikalawang Lunes ng Mayo 2026, at mula sa petsa na ito ay idaraos na ang eleksyon tuwing ikatlong taon.

Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.

Facebook Comments