Manila, Philippines – Haharangin ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat angpanukalang nagpapaliban na naman sa halalang pangbarangay na nakatakda sanangayong Oktubre.
Giit ni Baguilat, wala namang matibay na basehan namalaking porsyento ng mga barangay officials ay sangkot sa iligal na droga.
Dagdag pa ni Baguilat na kung totoo man ito dapat nakumikilos ang gobyerno para sampahan sila ng kaso.
Bukod sa wala namang nakakasuhang barangay official nadawit sa iligal na droga, lumalabas sa mga pahayag ng Pangulo na walang itongtiwala sa kakayahan ng mga Pilipino na magdesisyon at pumili ng nararapatnilang lider.
Sa kasalukuyan, ang panukala pa lamang ni Surigao DelNorte Cong. Robert Ace Barbers ang nakakasa sa Kamara para sa pagpapaliban ngbarangay elections.
Inihain ito alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Dutertena gustong magtalaga ng mga OIC sa barangay para maalis sa pwesto angkasalukuyang barangay officials dahil 40% umano ng mga ito ay sangkot sa droga.