Pagpapaliban sa Barangay Election, naglantad sa mga incompetent na barangay officials ngayong may COVID-19

Inilantad umano ng COVID-19 pandemic ang pagiging incompetent ng ilang mga barangay officials.

Ayon kay ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo, maaari pa namang itama ito kung gagawin ng mas maaga ang Barangay at SK elections.

Mungkahi nito, huwag nang hintayin ang December 5, 2022 at idaos na ang eleksyon sa susunod na taon.


Ito’y para hindi makalimutan ng mga taga-barangay kung sino ang mga opisyal nilang walang ginawa para tulungan sila sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Gayundin, para magkaroon naman ng bagong mandato mula sa kanilang nasasakupan ang mga barangay officials na nagpakita ng mahusay na serbisyo.

Facebook Comments