Pagpapaliban sa BARMM elections, makakaantala sa pag-unlad ng rehiyon

Ibinabala ni Senator Imee Marcos ang pagkaantala sa pag-unlad ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao o BARMM at sa pagtatama ng makasaysayang kawalan ng hustisya sa mga mamamayan nito.

Sabi ni Marcos, ito ang ibubunga kapag naisabatas ang maraming panukalang batas sa Senado at Kamara na ipagpaliban sa 2025 ang nakatakda sa batas na pagdaraos ng BARMM elections sa May 2022 kasabay ng national elections.

Giit ni Marcos, bilang chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms, kailangang ibalanse ang pagtupad sa pangunahing layunin ng BARMM Organic Law at pagbibigay ng sapat na panahon sa Bangsamoro Transitional Authority o BTA.


Ayon kay Marcos, ito ay para makaahon sa mga problemang dulot ng COVID-19 pandemic at magkaroon ng maayos na pagsasalin ng kapangyarihan sa mga halal na opisyal.

Dagdag pa ni Marcos, makakamit lang na maging ganap na lehitimo ang politika sa BARMM matapos maisagawa ang eleksyon.

Facebook Comments