Thursday, March 19, 2026

Pagpapaliban sa dagdag-pasahe, ikinadismaya ng mga jeepney driver sa Bacolod City

Dismayado ang mga jeepney driver sa Bacolod City matapos ipagpaliban ng pangulo ang dagdag-pasahe ngayong araw, March 19.

Ayon sa kanila, kahit paano ay makatutulong sana ang dagdag-pasahe sa harap ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na tulong tulad ng fuel subsidy mula sa gobyerno.

Kung noon ay kumikita pa umano sila ng P1,000 bawat araw, ngayon ay maswerte na lamang kung may mauuwi silang P300 o P400 sa kanilang pamilya.

Samantala, plano naman ng Bacolod Alliance of Commuters Operators and Drivers (BACOD-Manibela) na magsagawa ng dalawang araw na tigil-pasada kung mananatiling manhid ang gobyerno sa kanilang mga hinaing.

Facebook Comments