Pagpapaliban sa dry run ng limited face-to-face classes sa Enero, inalmahan ng ACT

Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang pilot testing ng limited face-to-face classes sa Enero bilang pag-iingat sa posibleng pagpasok sa bansa ng new variant ng coronavirus.

Tinawang na “knee-jerk reaction” ni ACT Secretary General Raymond Basilio ang nasabing desisyon ng Pangulo.

Aniya, ipinapakita lamang nito na nasa dilim at tila hindi alam ng administrasyong Duterte ang gagawin sa usapin ng paghawak sa pandemya.


Giit pa niya, hindi dapat maging hadlang ang banta ng bagong variant ng COVID-19 sa mga unang hakbang ng pagbabalik-paaralan ng mga estudyante.

Sa halip, dapat na pakinggan ng gobyerno ang mga panawagan upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan sa mga eskwelahan, mapanatili ang non-transmission sa malalayong lugar at makapagbigay ng sapat na tech infrastructure para sa remote learning at iba pa.

Sabi ni Basilio, mahalagang maibalik ang in-person classes dahil ang kasalukuyang distance learning setup ay isang kabiguan.

Facebook Comments