Pagpapaliban sa pagbibigay ng 13th month pay, pinalagan ng KMU

Binatikos ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang rekomendasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipagpaliban muna ang pagbibigay ng 13th month pay.

Sa isang statement, sinabi ni KMU Chairperson Elmer Labog na hindi makakatulong sa kasalukuyang kalagayan ang pinaplanong pagpapaliban o pagkakaloob ng exemption sa pagpapalabas ng 13th month pay.

Aniya, hindi dapat magdusa ang mga manggagawa na lubog na sa kaliwa’t kanang utang dahil sa epekto ng pandemya.


Sinabi ni Labog, kung totoong nagmamalasakit ang gobyerno sa sitwasyon ng mga maliliit na negosyante, dapat itong humanap ng paraan kung paanong mai-bail out ang mga Small and Medium Enterprises ngayong nahaharap sa krisis ang bansa.

Facebook Comments