PAGPAPALIBAN SA PAGSASAGAWA NG MOTORSHOW SA PANGASINAN, APRUBADO NA

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pansamantalang pagpapaliban sa pagsasagawa ng motorshow sa lalawigan.
Ito ay matapos maihain ni SP Member Jerry Rosario ang Proposed Provincial Resolution 927-2022 kung saan nakasaad dito partikular na tinukoy ang pagtatampok, display at pagdedemonstrate ng motorsiklo na mayroong modified engines, exhaust systems at iba pa na dumaan sa mechanical enhancement.
Ito ay kasunod sa nangyaring insidente ng motorcycle explosion na ikinasawi ng isang 16 taong gulang na lalaki at ilang nasugatan sa bayan ng Mapandan.

Nakasaad sa resolusyon na ang mungkahi ay hanggang sa nagpapatuloy ang imbestigasyon at paggawa ng safety precautions sa ganitong klase ng motorshow na nakatakdang i-implementa ng concerned agencies at stakeholders. |ifmnews
Facebook Comments