PAGPAPALIBAN SA PAGSASAGAWA NG MOTORSHOW SA PANGASINAN, IMINUNGKAHI

Iminungkahi ni Sangguniang Panlalawigan Member Jerry Agerico B. Rosario ang pagpapaliban sa pagsasagawa ng motorshow sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa inihain ni Rosario na Proposed Provincial Resolution, partikular na tinukoy ang pagtatampok, display at pagdedemonstrate ng motorsiklo na mayroong modified engines, exhaust systems at iba pa na dumaan sa mechanical enhancement.
Ito ay kasunod sa nangyaring insidente ng motorcycle explosion na ikinasawi ng isang 16 taong gulang na lalaki at ilang nasugatan sa bayan ng Mapandan.

Nakasaad sa resolusyon na ang mungkahi ay hanggang sa nagpapatuloy ang imbestigasyon at paggawa ng safety precautions sa ganitong klase ng motorshow na nakatakdang i-implementa ng concerned agencies at stakeholders. |ifmnews
Facebook Comments