Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na walang makakapigil sa pagpapatupad ng price ceiling sa mga karneng baboy at manok.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Assistant Secretary Noel Reyes matapos iulat ng ilang media entity na umano’y ipinagpaliban ng DA ang pagpapatupad ng price freeze.
Ayon kay Reyes, kailangan lamang umano bigyan ng grace period ang Executive Order (EO) na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para mailathala ang nilalaman nito sa publiko.
Tuloy pa rin umano sa February 8 ang pagsisimula ng price freeze sa karneng baboy at manok na magtatagal ng 60 araw.
Base sa EO ng Presidente, hindi dapat lumampas sa ₱300 ang kilo ng baboy at ₱160 sa kilo ng manok sa Metro Manila.
Facebook Comments