Pagpapalibing sa mga namatay sa Iloilo-Guimaras Strait tragedy, sasagutin ng DSWD

Binigyan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng assistance sa pagpapalibing sa mga namatay sa paglubog ng tatlong motorbancas sa Iloilo-Guimaras Strait.

Bawat pamilyang namatayan ay bibigyan ng DSWD Field Office 6 ng tig P20,000.

Tig P10,000 naman ang ibinigay na tulong pinansiyal sa bawat crew ng MB Keziah at MB Chi-Chi na nakaligtas sa sakuna.


Binisita na rin ng mga social worker ang iba pang biktima sa iba’t-ibang pagamutan at nakipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) at private individuals para sa probisyon ng food and lodging ng mga survivors.

Kaugnay pa rin nito, isinasailalim na sa mental health psychosocial support services ang mga biktima.

Tiniyak ng DSWD na makakaasa pa ng tulong ang mga survivors kung kinakailangan pa.

Facebook Comments