Pagpapalikas sa mga residente malapit sa Taal Volcano, precautionary measure lang ayon sa NDRRMC

Precautionary measures lang ang ginagawang pagpapalikas sa mga residente malapit sa Taal Volcano sa Batangas.

Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal.

Aniya, hindi matindi ang activity ng Bulkang Taal pero para masiguro na walang madidisgrasya sa pag-aalburuto nito ay nagsagawa na ng forced evacuation.


Sinabi pa ni Timbal na dapat nga ay wala nang nakatira sa lugar dahil napakadelikado lalo’t una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal na ang pananatili malapit sa bulkan matapos na pumutok ito nang nakaraang taon.

Napaalis na raw ang mga nakatira noon malapit sa bulkan pero nang kumalma ay bumalik na naman.

Sa ngayon aniya ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naatasang magsagawa ng forced evacuation.

Hindi pa matukoy ni Timbal kung ilang tao na ang napalikas sa nagpapatuloy na forced evacuation.

Facebook Comments