Pagpapalit ng citizenship, hindi na gagawin ng Filipina tennis prodigy na si Alex Eala

Wala nang planong magpalit ng citizenship ang Filipina tennis prodigy na si Alex Eala.

Paliwanag ng Pinay tennis player, kahit nakabase siya sa Spain ay nais pa rin niyang maglaro para sa Pilipinas.

Isang malaking karangalan din aniya ang maging kinatawan ng bansa sa anumang international competition.


Aabot na sa 14 na titulo ang napanalunan ni Eala sa singles at doubles tournaments sa International Tennis Federation Junior tournaments.

Sa ngayon, naghahanda na rin ang tennis player para sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at 2022 Asian Games sa Zhejiang, Chan na gaganapin naman sa Setyembre.

Facebook Comments