MANILA – Ide-demo ngayong araw ng Commission on Elections ang pagpapalit ng hashcode sa transparency server para ipakita na walang nangyayaring dayaan sa halalan.Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, bandang alas-10:00 mamaya ay isasagawa ang demo sa Philippine International Convention Center (PICC).Ipapakita ng Comelec kung ano ang mangyayari kung papalitan ang altered script at ibabalik ito sa orihinal na porma.Nabatid na pinalitan ang hashcode ng transparency server noong gabi ng Mayo 9 para palitan ang “ñ” sa pangalan ng ilang kandidato dahil “question mark” ang lumalabas sa mga resulta imbes na “ñ”.Kagabi ay nagtungo ang Comelec at Smartmatic kabilang na ang ilang it experts at political party sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Pope Pius Center para kopyahin ang hashcode at altered script sa server.Inilipat ito sa USB at inilagay sa selyadong envelope na pirmado ng ilang miyembro ng media na nanood sa proseso.Bubuksan ito ngayong araw para sa demonstration.
Pagpapalit Ng Hashcode Sa Transparency Server, Ide-Demo Ng Comelec Ngayong Araw Para Ipakitang Walang Dayaan Sa Halalan
Facebook Comments