
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi matitigil o maaantala ang mga pangunahing legislative agenda ng administrasyon sa kabila ng biglaang pagbabago ng liderato sa Senado.
Sa pulong balitaan sa Cambodia, sinabi ng pangulo na normal lamang ang reorganisasyon sa Senado at umugong na rin ito sa nakalipas na halos isang buwan.
Ayon pa kay Pangulong Marcos, walang dapat ipangamba dito dahil alam ng mga Senador ang kanilang mga ginagawa at tiyak na ipagpatuloy nila ang trabaho, kahit sino pa ang mamuno.
Kumpiyansa rin ang pangulo na ang mga reporma at programang napagkasunduan kasama ang naunang liderato ay mananatiling buo at hindi mababago ng bagong liderato.
Facebook Comments









