
Wala pang kumpirmasyon ang mga umano’y ulat na may bago ng liderato sa Presidential Communications Office (PCO).
Batay kasi sa ilang lumabas na impormasyon sa social media, papalitan na umano sa kaniyang pwesto si PCO Secretary Jay Ruiz.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pang bagong anunsyo na ibinaba ang Palasyo kung sino pang mga opisyal ang tinanggap na ang courtesy resignation at ang mananatili pa rin sa kanilang tungkulin.
Nananatili pa rin aniya si Ruiz bilang acting Secretary ng PCO.
Matatandaang nire-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos si Ruiz nilang acting Secretary ng ahensya matapos ma-bypass ng Commission on Appointment dahil sa kakulangan ng oras para talakayin ang kaniyang appointment.
Facebook Comments









