Isinagawa ng District Engineering Office ang pagpapalit ng mga sirang manhole sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng proyekto na maiwasan ang aksidente sa kalsada, lalo na sa mga lugar na matao at madalas daanan ng mga sasakyan at pedestrian.
Inaasahang matatapos ang mga pagpapalit sa mga susunod na linggo.
Patuloy namang hinihikayat ng tanggapan ang publiko na mag-ingat at sumunod sa mga pansamantalang traffic advisories habang isinasagawa ang mga pagkukumpuni. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







