Pagpapalit ng pangalan sa Benham Rise at pagdeklara na ito ay isang protected food supply exclusive zone, inaprubahan na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Agriculture Sec. Manny Piñol na bukod sa aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng pangalan sa Benham Rise, idineklara na rin itong protected food supply exclusive zone.

Ayon kay Piñol, mula sa Benham Rise tatawagin na itong Philippine Rise kung saan bawal ang oil exploration at pagmimina rito.

Sa pakikipag-usap ni Piñol kay Pangulong Duterte, sinabi nito na kaysa masira ang Philippine Rise dahil sa pagmimina mas mainam na protektahan ang 25 bilyong piso na food supply sa lugar.


Kasunod nito maglalagay na ng mga istruktura sa Philippine Rise tulad ng research facilities at advance command post center para matigil na ang talamak na iligal na pangingisda.

Maglalagay din ng benham bank o isang malaking freezer na pwedeng paglagyan ng mga huling isda tulad ng yellow fin tuna at samu’t saring mamahaling isda.

DZXL558

Facebook Comments