Umarangkada na ang pagpapalit ng riles ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Rail Replacement Activities ay isasagawa tuwing Non-Revenue hours o mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.
Ayon kay Transportation Usec. TJ Batan, napapanahon na para palitan ang mga luma at baku-bakong riles.
Aniya, ang mga lumang riles ang dahilan kung bakit matagtag ang takbo ng mga tren ng MRT na nauuwi sa aberya.
Ang pagpapalit ng riles ay mababawasan din ang tiyansang maghiwa-hiwalay ang mga bagon.
Sa mga bagong ilalatag na riles, mapapabilis na ito ang takbo ng mga tren, at mababawasan ang oras ng paghihintay ng mga pasahero.
Target na makumpleto ang proyekto sa Pebrero 2021.
Facebook Comments