Pagpapalit ng teknolohiya ng Smartmatic sa eleksyon, ikinabahala ng Lacson-Sotto tandem

Nagpahayag ng pagkabahala ang Lacson-Sotto tandem sa umano’y pagbabago sa teknolohiya ng cellular network na gagamitin ng Smartmatic sa pagpapadala ng mga resulta ng halalan.

Ayon kay Sotto, sinabi sa kaniya ng isang Senate Information Technology (IT) expert na 4G ang gagamitin ng Smartmatic sa halip na 3G network sa darating na botohan.

Sa paggamit ng 4G network, hindi aniya matutunton kung saang Vote Counting Machine (VCM) galing ang isang transmission.


Sinabi pa ni Sotto na nakipag-ugnayan na siya sa Commission on Elections (COMELEC) at hiniling na rin niya kay Senate Committee on Electoral Reforms Chairperson Imee Marcos na magsagawa ng pagdinig hinggil dito.

Iginiit naman ni presidential candidate Senator Ping Lacson na kailangang tugunan ng poll body ang isyung ito sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments