Pagpapalit sa pangalan ng Benham rise , okay lang kay Sen. Gatchalian

Manila, Philippines – Walang nakikitang masama si Sen.Sherwin Gatchalian kung palitan ang pangalan ng Benham rise.

 
Reaction ito ni Gatchalian sa napaulat na plano ngMalacañang na gawing Philippine Rise ang kasalukuyang Benham Rise.

 
Ayon kay Gacthalian, wala syang nakikitang problema sanaturang hakbang.


 
Inihalimbawa pa ni Gatchalian ang ginawa ding pagpapalitsa pangalan ng mga pinagaagawang isla sa South China sea na ngayon ay tinatawagng West Philippine sea.

 
Binanggit pa ni Gatchalian na lumabas sa isinagawangpagdinig ng pinamumunuan niyang committee on economic affairs na walang ibangumaangkin sa Benham rise.

 
Malinaw aniya na ang Pilipinas ang may buong hurisdiksyonsa 24.4 milyung ektaryang Benham rise na matatagpuan malapit sa dalampasigan ngAurora Province.

Facebook Comments