Suportado ng mga Environmental groups at ilan pang mga samahan ang plano ng Philippine Coast Guard o PCG na paglalagay o pagpapalubog ng World War II Vessel BRP Palawan sa bahagi ng Mabini Batangas
Ayon kay Jojo Gador, Presidente ng Dirty Hands Divers na isang Volunteers group na nagsusulong ng malinis na karagatan at pangangalaga ng Marine Life sa bansa.
Suportado nila ang kampanya ng PCG na magbaba sa ilalim ng dagat ng isang makasaysayang barko ng Mabini Batangas, na kalaunan ay magsisilbing fish sanctuary, makatutulong sa usapin ng food security dahil sa dami ng mga isdang mamahay sa Shipwreck BRP Palawan.
Pangmatagalan din ang maitutulong ng Shipwreck ng BRP Palawan para sa training ng mga technical divers at rescue divers ng PCG, Philippine Navy at PNP Martime Group.
Malaki rin ang ambag nito sa turismo ng bansa , kung saan isinusulong na ang Mabini, Batangas ang siyang maging Scuba divers haven o pangunahing destinasyon ng mga Scuba divers mula sa ibat ibang panig ng mundo.
Katuwang din sa pagsuporta sa Legacy ni Coast Guard Commandant Admiral Elson Hermogino, ang Mabini Resort Association, Oceana at iba pang Local Volunteer Organization.
Pinasisiguro lamang ng Dirty Hands Divers na malinis na ang BRP Palawan sa anumang langis, o kemikal na may negatibong epekto sa karagatan.