Pagpapalubog sa isang WWII Ship, pinagpaplanuhan ng PCG

 

Pinagpaplanuhan na ng husto ng pamunuan ng Philippine Coast  Guard ang pagpapalubog sa ilalaim ng dagat ng isa sa kanilang World War II Ship.

 

Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson, sa kasalukuyan ay may 3-4 na mga luma at hindi na pinakikinabangang barko ang PCG, isa sa mga ito ay mga dati pang nagamit sa Vietnam War at ang iba ay sa ginamit pa ng Estados Unidos sa ikalawang digmaan pandaigdig.

 

Paliwanag  pa ni Admiral Hermogino, ang BRP Palawan  na may habang mahigit 30 Metro na isa sa lumang barko ng PCG , sa halip na bakalin at ibenta  ay palulubugin na lang sa bahagi ng Anilao sa Mabini Batangas upang magsilbing Shipwreck na Training ground para Technical divers mula sa PCG Special Operations group.


 

Dagdag pa ng opisyal sa pagpapalubog ng BRP  Palawan,   magsisilbi itong bagong Fish Sanctuary  at sa kalaunan ay tutubuan ng mga Corals.

 

Giiniit pa ng Philippine Coast Guard na hindi lamang training para sa Coast Guard divers at sa iba png divers ang ibibigay ng Shipwreck BRP kundi malaki ang maitutulong nito sa pagpo-promote ng Turismo sa bansa .

Facebook Comments