Pagpapaluwag ng age restriction sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ, planong irekomenda ng DOH

109

Planong irekomenda ng Department of Health (DOH) na ipagpaliban ang pagpapaluwag sa age restriction, sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Kasunod ito ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makalabas na ng bahay ang mga batang edad sampu (10) hanggang labing-apat (14) sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.


Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, balak nilang ipagpaliban ang implementasyon nito para maiwasan ang pagkahawa ng mga bata sa bagong variant ng COVID-19.

Sa ngayon, nasa tatlong bata na ang nagpositibo sa UK variant ng virus sa bansa.

Facebook Comments