Pagpapaluwag ng quarantine protocols para sa mga fully-vaccinated individual na papasok sa Pilipinas, pinag-aaralan na ng IATF

Pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang paluwagin ang quarantine protocols para sa fully-vaccinated individuals na pumapasok sa Pilipinas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isinasapinal na ng IATF, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ang pagbuo ng mekanismo para ma-validate ang vaccination status ng mga nabakunahan na galing ibang bansa.

Sa interview naman ng RMN Manila, sinabi ni NTF Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na nagkaroon na rin sila ng resolusyon sa pagpapaluwag ng quarantine requirements para sa paglabas sa bansa ng mga nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.


Ilang bansa na rin ang nagluwag ng protocols para sa mga fully vaccinated individuals gaya ng Estados Unidos, United Kingdom, Seychelles at Israel.

Facebook Comments