Pagpapaluwag ng requirements para sa annual audit process ng ilang ahensiya ng gobyerno, suportado ng COA

Bukas ang Commission on Audit (COA) na luwagan pa ang ilang requirements para sa annual audit process ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Kasunod ito ng napaulat na discrepancies sa paggamit ng Department of Health (DOH) ng kanilang P67.32 bilyong COVID-19 budget.

Ayon kay COA Chairperson Michael Aguinaldo, dahil pandemya ay bukas silang magkaroon ng adjustments lalo na sa mga allowances.


May ilan kasing healthcare workers associations na nahihirapang mag-comply sa requirements na itinakda ng state auditor pagdating sa pagbibigay ng benepisyo sa mga medical frontliners.

Sa ilalim ng konstitusyon, may kapangyarihan ang COA na suriin, i-audit, at i-settle ang lahat ng accounts kaugnay ng revenue at receipts, at expenditures o pinaggamitan ng pondo o property na ipinagkaloob sa gobyerno o kahit anong ahensya.

Facebook Comments