Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagsusuri ng ASEAN-India Trade in Goods Agreement (AITIGA).
Ito’y para mas maging madali ang mga kasunduan sa kalakalan para sa mga negosyo, kabilang na ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Sa 21st ASEAN-India Summit, sinabi ng pangulo na mahalagang maging maluwag ang mga restriksyon sa kalakalan at umaasang patuloy na susuportahan ng India ang mga napagkasunduang probisyon.
Kumpiyansa rin ang pangulo sa mga kooperasyon sa hinaharap sa larangan ng digital technology sa pamamagitan ng ASEAN-India Joint Statement on Advancing Digital Transformation.
Hinikayat din niya ang India na pag-aralan ang posibilidad ng pagtaguyod ng Technical and Vocational Education and Training (TVET) sa ASEAN, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa pagtatatag ng mga ugnayan sa pagitan ng industriya at akademya para mapahusay ang mga enterprise-based training schemes.