Pagpapaluwag ng South Korea sa visa applications sa mga Pinoy, pinuri ng Palasyo

Ikinatuwa ng Malacañang ang hakbang ng South Korea na padaliin ang pag-aaply ng visa para sa mga Pilipino.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nananatiling kaalyado at tunay na kaibigan ng Pilipinas ang South Korea sa gitna ng panibagong yugto sa diplomatic relation ng dalawang bansa.

Aniya, malalim ang pinagsamahan ng dalawang bansa na kapwa ipinaglaban ang kalayaan at demokrasya noong panahon ng Korean war.


Nabatid na ika-pito ang South Korea sa pinakamalaking trading partner ng Pilipinas.

Facebook Comments