Pagpapalwig sa oras ng pagboto ng OFWs sa mga embahada at mga konsulada, hirit ng isang senador

Iginiit ni Committee on Electoral Reforms and People’s Participation Chairperson Senator Imee Marcos na palawigin ang oras ng pagboto ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas.

Hirit ito ni Marcos kasunod ng napaulat na mga aberya sa unang araw ng botohan ng OFWs sa Hong Kong, United States, Italy at New Zealand sa iba pang mga bansa.

Mungkahi ni Marcos, huwag ng hintayin na kung kailan ‘last-minute’ o konting oras na lang ang natitira saka matataranta na maghanap ng remedyo na magreresulta sa libo-libong mga OFW na hindi makakaboto.


Ayon kay Marcos, pinakamabilis na solusyon ang pagpapalawig ng oras ng pagboto ng mga OFW, habang inaasikaso pa ng Commission on Elections ang iba pang mga problema sa logistics o mga gamit sa pag-aayos ng karagdagang mga ‘voting precinct’.

Hiniling din ni Marcos sa COMELEC at Department of Foreign Affairs na oag-ibayuhin ang pagbibigay ng impormasyon sa mga botanteng Pilipino sa ibayong-dagat ukol sa precinct assignments nila para mas mapadali ang proseso ng pagboto nila.

Facebook Comments