Pagpapanagot sa mga korap na government officials at contractors, dapat unahin ni DPWH Sec. Vince Dizon —senador

Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian kay bagong talagang Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na unahin nito ang pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal at contractors.

Ayon kay Gatchalian, tiwala siyang magagampanan ni Dizon ang kanyang tungkulin dahil ito ay kilalang action man at may integridad.

Hirit ng senador kay Dizon na gawin nitong first order of business ang pagpapakulong sa mga mapapatunayang korap na mga government officials at contractors.

Ito lamang din ang paraan upang maibalik ang kumpyansa ng taumbayan sa DPWH.

Sinabi naman ni Senator JV Ejercito na mahaharap ang bagong DPWH secretary sa malaking hamon at mahirap na trabaho na pagbabalik ng tiwala ng publiko matapos ang mga eskandalong kinasangkutan ng ahensya sa flood control.

Para kay Senator Ping Lacson, naging mahirap pero naging good choice naman ng Pangulo ang pagkakapili kay Dizon kapalit ni resigned DPWH Sec. Manuel Bonoan dahil maraming isyu sa Transportation sector ang personal na sinosolusyunan ni Dizon.

Facebook Comments