Para kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, ang pagpapawalang-sala kay Senator Leile De Lima ay hindi nangangahulugan na lubusang gumagana ang sistema ng katarungan sa bansa para sa lahat ng sangkot sa ilegal na droga at kanilang mga biktima.
Giit ni Lagman, hangga’t hindi naisasakdal si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay mananatiling bigo ang Philippine justice system para sa lahat ng mga nasa likod ng extrajudicial killings o EJK at mga biktima.
Naniniwala si Lagman na si dating Pangulong Duterte ang pangunahing pasimuno ng EJK na may kaugnayan sa ipinatupad nitong war on drugs.
Bunsod nito ay ipinunto ni Lagman na hindi maaring gawing rason ng Pilipinas ang gumaganang justice system para maging exempted sa hurisdiksyon ng International Criminal Court kaugnay sa mga reklamo ng crimes against humanity na ginawa umano ni Duterte at kanyang mga kasabwat.