Tama lang na panatilihin sa Alert Level 1 ang Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa hanggang sa April 15.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa, kahit mababa na ang kasong naitatala sa bansa ay hindi ito nangangahulugan na wala na ang banta ng virus.
Dagdag pa ni Herbosa, ngayong bukas na rin ang Pilipinas sa mas maraming foreign tourist, mas dapat pa nga tayong mag-ingat upang hindi tayo malusutan lalo’t mataas ngayon ang kaso ng COVID-19 sa mga katabi nating bansa.
Nabatid na simula ngayong araw, April 1, papayagan nang makapasok sa bansa ang mga foreign national, saan mang bansa galing basta’t sila fully vaccinated kontra COVID-19.
Facebook Comments