Pagpapanatili ng GCQ sa Metro Manila, bunsod ng mataas pa ring COVID-19 case clustering at hospital bed occupancy rate – DOH

Nananatiling mataas ang COVID-19 case clustering at hospital bed occupancy sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang ito sa mga dahilan kaya nagdesisyon ang pamahalaan na panatilihin sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila hanggang October 31, 2020.

Ayon kay Vergeire, maaari lang ibaba sa Modified GCQ ang Metro Manila kapag napababa na ang bilang ng clustering ng mga kaso.


Kabilang sa mga lungsod na nakitaan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ay ang Valenzuela, Makati at Muntinlupa.

Samantala, bagama’t napababa na sa 60% ang hospital bed utilization sa rehiyon, malayo pa rin ito sa ideal rate na 30% o mas mababa pa.

Ayon pa sa DOH, bumaba na sa 0.82 ang virus transmission na indikasyong pawala na ang pandemya.

Sa kabila nito, iginiit ni Vergeire na hindi pa rin dapat magpakakampante dahil kailangan pa ring bantayan ang mga lugar na may mataas na case clustering.

Facebook Comments