Pagpapanatili ng GCQ sa NCR, suportado ng liderato ng Senado

Sinuportahan ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang pagpapanatili ng Metro Manila sa ilalim ng General Community Qurantine (GCQ).

Paliwanag ni Sotto, mahihirapan ang ekonomiya kung ibabalik ang National Capital Region (NCR) sa Enchanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Sotto, ang nararapat lang isailalim sa Modified GCQ ay ang mga lugar kung saan may magandang disiplina ang mamamayan at mahigpit na sumusunod sa mga patakaran laban sa COVID-19.


Dismayado si Sotto na habang binubuksan ang mga negosyo ay napakaraming pasaway na lumalabag sa mga health protocol kaya patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Ikinatwiran pa ni Sotto na bagama’t may mga pagkukulang ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force, ay malaki ang maitutulong kung susunod at makikiisa ang publiko sa mga pinatutupad na health protocols.

Facebook Comments