Nanindigan sina Department of Health Sec. Francisco Duque III at Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na mas mabuting manatili sa isang metro ang distansiya ng mga tao sa pampublikong transportasyon.
Giit ni Año, maraming paraan para muling mapalago ang ekonomiya ng bansa pero dapat na panatilihin ang minimum health standard na one-meter distance dahil nakabase ito sa siyensa at pag-aaral ng mga dalubhasa para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Paliwanag naman ni Duque, kung mananatili sa 1 metro ang pagitan ng mga tao, 81 porsyentong napipigilan ang pagkalat ng virus, 91 porsyento sa 2 metro at 96 porsyento sa 3 metro kaya hindi na ito dapat pang baguhin ng pamahalaan.
Facebook Comments